Thursday, May 21, 2009
lol xD akala ko hindi iiyak kapatid ko. (11yrs old) dahil lang sa gagamba!well. nagcocomputer lang naman siya kanina 7:00pm rin yun ata eh. bigla banaman tumakbo papunta sa sala at sumigaw sigaw na "gagamba! may gagamba!" tapos sabi pa niya "ihh kulay white siya tapos kulay black yung mata!!" sabi ko naman "gaano kalake?"... "maliit lang..ganito oh" tapos ipinakita niya sa kamay niya.
hindi na siya bumalik pa dito sa pc dahil nga takot siya.
"kyra ano yang maputi sa likod ng damit mo?" sabi ko.
"ihh" sabi niya lang.
"bakit may maputing gagamba sa damit mo?!! ayan ohhh" sabay turo ko sa likod niya
"alissiiin mooooooooo!!"
"ays. ayoko" sabi ko atsaka ko siya iniwan sa sala (masamang ate eh noh?).
at doon siya nagsimulang umiyak. pinuntahan ko mama ko sa harap ng pc. malipas ilang segundo. yung kapatid ko namang lalake ang sumunod sa akin (5yrs old) umiiyak siya.
lol. GANUN NA BA TALAGA SILA KATAKOT SA MALIIT NA GAGAMBA? hahaha
